menu
 

FAQ

Gabay sa troubleshooting

 

Naaprubahan ang aking application, kailan ko matatanggap ang pera?

Ang hiniling na halaga ay ipapadala kaagad pagkatapos ma-sign ang kontrata. Matatanggap mo ang pera depende sa iyong bangko (mula 1 hanggang 2 araw o pagkatapos ng katapusan ng linggo) 

 

Hindi ko pa natanggap ang pera, ano ang dapat kong gawin?

Nagpadala kami ng pera sa iyo ilang segundo pagkatapos kumpirmahin ang kontrata. Matapos ito, ang lahat ay depende na sa iyong bangko. Ang pera ay ilalabas mula 8 am hanggang 4 pm ng sumunod na araw pagkatapos na ma-aprubahan. Kung ang iyong application ay ma-aprubahan sa gabi, matatanggap mo ang pera sa susunod na umaga. Kung ang pag-apruba nangyari sa katapusan ng Linggo, matatanggap mo ang pera ng Lunes.

 

Paano ako mag-aapply?

Para mag-apply, bisitahin ang aming website https://moneycat.ph, punan ang impormasyon at I-click ang "KUMUHA NG CASH NGAYON" button.

 

Wala akong natanggap na OTP code

Kung hindi ka nakatanggap ng OTP code sa loob ng 5 minuto, i-check ang mobile number na ibinigay mo at pagkatapos ay i-click ang "Ipadalang muli / Natanggap na password sa pamamagitan ng SMS". Kung hindi ka pa rin makatanggap ng isang OTP, makipag-ugnay sa [email protected][email protected].

 

Mali ang numero ng bank account na ipinadala ko

Ang pangalan ng may-ari ng account at numero ng account ay dapat pareho sa application. Kung hindi, ang pera ay hindi maililipat sa account at awtomatikong tatanggihan ang application.

 

Posting sa mga bayad na nahuli / nagbayad na pero hindi pa naitatala

Para sa mga katanungang may kaugnayan sa pagbabayad tulad ng mga bayad na hindi pa naitatala, maaari mong kontakin ang DRAGONPAY support contacts:
Email: [email protected]
Hotline: 0286556820

 

Bank account requierments

Para sa isang ligtas na transaksyon, idedeposito lamang namin ang pera ng aprubadong loan sa isang bank account number na nasa iyong pangalan. Ang account na ito ay dapat na aktibo at hindi maaaring binuksan para sa payroll transfer. Nagdedeposito kami sa checking account ng alinman sa aming mga ka-partner na banko: Banco De Oro Bank of the Philippine Islands Chinabank EastWest Bank MBTC Philippine National Bank RCBC RCBC myWallet Security Bank UnionBank Land Bank UCPB Asia United Bank BPI Family Savings bank Bank of Commerce Chinabank Savings Chinatrust Bank Development Bank of the Philippines Maybank PBCom Philippine Veterans Bank PSBank Robinson Bank Sterling Bank of Asia

 

Oras sa pagproseso para sa disbursement

Aming ipapadala ang hinihiram na halaga agad matapos na makumpirma ang kontrata. Mula doon, depende na sa iyong bangko. Karaniwan, ang pag-transfer ay tumatagal sa loob ng hanggang 2 araw. Ginagawa naming maging mabilis ang proseso ng disbursement.

Paano mag-loan

 

Saan ako dapat nakatira para makapag-loan?

Ibinibigay namin ang aming mga serbisyo sa buong Pilipinas. Maaari kang mag-apply saan ka man Pilipinas.

 

Naaprubahan ba ang aking application?

Ang impormasyon tungkol sa status ng application ay ipadadala sa iyong telepono at email na inilagay noong nagparehistro. Kapag naaprubahan ang application, ikaw ay makatatanggap ng SMS at email.

Paano ang pagbabayad

 

Paano magbabayad ng loan?

Maaari kang magbayad ng loan sa pamamagitan ng 7/ELEVEN, LBC, Bayad center, SM Payment center. Lahat ng mga pamamaraan ng pagbabayad ay maaari mong malaman ang higit pa rito.

 

Paano pahabain ang iyong loan term?

Para pahabain ang iyong loan term, kailangan mong magbayad ng 7% mula sa kasalukuyang halaga ng loan kasama ang charges. Makikita mo ang eksaktong halaga sa personal page sa link na ito link na ito.

 

Maaari ko bang bayaran ang aking loan nang mas maaga kaysa sa due date?

Oo, pwede. Paki-click the link para sa karagdagang impormasyon.

 

Paano kung ang aking loan ay tanggihan / hindi tinanggap

Gusto man naming aprubahan ang iyong application, wala kaming makitang financial package na angkop sa iyo sa oras na ito. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin makalipas ang 30 araw at mula doon ay malugod ka naming tutulungan.